Warehouse sa Navotas, tinupok ng apoy; 6 katao, sugatan

(Updated) Anim katao ang napaulat na sugatan, kabilang ang isang fire volunteer, sa malaking sunog sa Barangay San Rafael, Navotas City..

tinupok ng apoy ang isang warehouse na umano’y imbakan ng mga kendi at karton sa Escoda Street, Linggo ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, umabot ng ikatlong alarma ang sunog.

Alas-11:05 ng gabi nang tuluyang maapula ang nasabing pagliliyab.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pinagmulan ng apoy.

 

Read more...