Sandiganbayan, ibinasura ang bail motion ng dating chief of staff ni JPE

By Isa Avendaño-Umali July 01, 2018 - 01:21 PM

Mananatili pa rin sa kulungan si Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni ex-Senator Juan Ponce Enrile.

Ito’y makaraang ibasura ng Sandiganbayan 3rd division ang bail motion ni Reyes, sa katwiran na lahat ng mga testimonya ng mga whistleblower sa Pork Barrel scam ay “consistent” at kapaniwala-wala at ebidensya para sa “probable guilt” ng akusado.

Binigyang-bigat din ng korte ang mga testimonya ni Ruby Tuason na nagdeliver daw siya ng kickbacks kay Reyes mula noong 2006 hanggang 2009.

Ito’y sa kabila ng kabiguan ni Tuason na matandaan kung magkano ang eksaktong halaga ng pera at anu-ano ang mga proyektong pinagmulan ng kickbacks.

Bukod dito, ginamit ng Sandiganbayan sa kaso ni Reyes ang naunang desisyon ng korte noong November 2017 sa mosyon ni Janet Lim-Napoles na makapag-piyansa, na kinalauna’y ibinasura.

Ayon sa korte, walang sapat na rason para makapag-piyansa si Reyes.

Dahil dito, mananatiling naka-detine si Reyes sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang dinidinig ang plunder case nito kaugnay sa Pork Barre scandal.

Ang amo ni Reyes na si Enrile ay matatandang nakapag-piyansa “for humanitarian reasons.”

 

TAGS: Gigi Reyes, pork barrel scam, Gigi Reyes, pork barrel scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.