64% ng mga Pinoy, pabor sa Boracay closure – SWS

By Isa Avendaño-Umali July 01, 2018 - 12:45 PM

 

Mayorya ng mga Pilipino ang pabor sa aksyon ng gobyerno na pansamantalang isara ang buong isla ng Boracay, batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS.

Sa First Quarter 2018 Social Weather Survey, ang tanong sa respondents ay “kamakailan, inirekomenda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Tourism (DOT) ang pagpapasara sa buong isla ng Boracay sa mga turista ng isang taon upang simulan ang tuluyang rehabilitasyon ng isla. Kayo po ba ay SANG-AYON o HINDI SANG-AYON sa rekomendasyon na ito ng DENR, DILG, at DOT?”

38% ang sumagot ng “strongly agree,” 26% ang “somewhat agree,” 10% ang “somewhat disagree” at 10% ang tumugon ng “strongly disagree,” habang 17% ang undecided.

Sinabi ng SWS na kapag ni-round up ang nakalap na porsyento, nasa 64% ang maituturing na pabor sa pagpapasara ng Boracay.

64% din ang nagsabi na makakatulong ang rehabilitasyon ng isla ng Boracay, samantalang 61% naman ang naniniwala na makakatulong ang Boracay closure sa pagdami ng bilang ng mga turista sa hinaharap.

Mayorya ng mga sumusuporta sa pagpapasara muna ng Boracay ay mula sa Mindanao, urban areas at mga natanong na may “higher education.”

Ginawa ang non-commissioned survey noong March 23-27, 2018, at natanong ang 1,200 na adult respondents o tig-300 mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Pansamantalang sarado ang tanyag na tourist spot na Boracay sa loob ng anim na buwan upang sumailalim sa rehabilitasyon.

 

TAGS: boracay, SWS, boracay, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.