Ayon kay De La Hoya, ang bawat “legend” o alamat ay may katapusan.
Sa kanyang palagay, ang laban daw ni Pacquaio kay Matthysse ay ang katapusan na ng Filipino boxing champ.
Matatandaang tinalo na ni Pacquiao si De La Hoya sa kanilang boxing match noong December 6, 2008 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada sa Amerika.
Sina Pacquiao at Matthysse ay nakatakdang magtunggali sa darating na July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Regular welterweight championship ng World Boxing Association ang tatangkaing kunin na titulo ni Pacquiao mula kay Matthysse.
MOST READ
LATEST STORIES