Nagpatupad na ang kumpanyang Petron ng pagtaas sa presyo ng liquified petroleum gas o LPG.
Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw, 90 centavos ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG.
50 centavos naman ang dagdag sa halaga ng kada litro ng Auto LPG ng Petron.
Samantala sa anunsyo ng Solane, 91 centavos kada kilo ang itinaas sa presyo ng LPG nila, epektibo kaninang 6:00 ng umaga.
Ang price hike ay alinsunod sa LPG contract prices sa international market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.