Aubrey Miles, inanunsyo ang kanyang muling pagbubuntis

By Rhommel Balasbas July 01, 2018 - 05:35 AM

May supresang muli sa kanilang fans ang mag-asawang sina Troy Montero at Aubrey Miles.

Ang mag-asawa na binubulaga ang netizens sa kanilang naked photos, ay may kakaibang anunsyo naman para sa kanilang followers sa pamamagitan pa rin ng Instagram.

Kahapon, Sabado, inanunsyo nina Aubrey at Troy na muli silang magsisilang ng anak.

Isang tila movie poster ang ipinost ni Aubrey Miles sa IG kung saan kanyang pinamagatan itong “The New Roommate” at sinabing siya ay nakatakdang magsilang muli ng sanggol sa susunod na taon.

Ito na ang ikatlong pagbubuntis ni Miles.

Mayroon na siyang dalawang anak kung saan ang isa ay mula sa nauna nang nakarelasyon habang ang ikalawa ay anak niya kay Montero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.