15-anyos na estudyante kabilang sa nasawi sa engkwentro sa Davao City
Kabilang ang isang 15 anyos na estudyante sa dalawang umanoy rebelde na napatay sa sagupaan sa mga sundalo sa Davao City.
Kinilala ang nasawing menor de edad na si Reglen Malcampo habang ang isa pang casualty ay si Renante Dablo.
Ayon kay Chief Insp. Milgrace Driz, spokesperson ng Southern Mindanao Police Regional Office, ang dalawa ay mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nakipagbakbakan sa mga sundalo sa Bgy. Tambobong sa Baguio district.
Ang pamilya anya nina Malcampo at Dablo ang kumilala sa mga bangkay sa isang punerarya sa Calinan.
Si Malcampo ay Grade 5 student mula sa Bgy. Patulangon sa Sta. Cruz habang si Dablo isang 35 anyos na high school graduate.
Ayon kay Capt. Jerry Lamosao, spokesperson ng 10th Infantry Division, napatay ang dalawa sa enkuwentro sa mga sundalo na tumutugis sa grupo ng mga rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.