Sundalo huli dahil sa blackmail at sexual assault

By Len Montaño June 30, 2018 - 07:57 PM

Arestado ang isang sundalo dahil sa pag-blackmail sa dalawang dati nitong girlfriends na makipagtalik sa kanya kundi ay ipo-post niya ang kanilang mga hubad na larawan at sex videos sa internet.

Ayon kay Insp. Orlan Capili, Ilagan Police chief, bina-blackmail ni Private First Class Rene Cantomayor, nakatalaga sa 5th Infantry Battalion sa Isabela, ang kanyang dalawang ex-girlfriends na hindi nito alam ay magkakilala.

Sinabi ng isa sa mga babae na binantaan din siya ni Cantomayor na sasaktan siya kapag hindi siya pumayag na muling makipagtalik sa kanya.

Ang isa namang babae na kamakailan lamang nakipag-break sa sundalo ay muling humirit na makasama siya sa huling pagkakataon bago mare-assign sa Mindanao.

Nahaharap si Cantomayor sa kasong grave coercion at paglabag sa batas ukol sa violence against women.

Pwede rin itong makasuhan ng cybercrime dahil laman ng cellphone nito ang mga hubad na larawan at video ng dalawa nitong biktima.

TAGS: blackmail, cantomayor, Ilagan City, isabela, Philippine Army, sex videos, blackmail, cantomayor, Ilagan City, isabela, Philippine Army, sex videos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.