High school graduates dapat payagang magpulis ayon sa hepe ng QCPD
Kung siya ang tatanungin ay gusto ng hepe ng Quezon Police District na ibaba ang educational requirements para sa mga nais magpulis.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., dapat na payagan din na magpulis ang mga nakapagtapos ng high school.
Sinabi ni Esquivel na mas magpupursigi ang mga nakatapos ng high school na patunayan ang kanilang sarili dahil mas mababa ang kanilang kwalipikasyon pagdating sa edukasyon.
Aniya, maangas na kasi ang mga nakatapos ng kolehiyong nais magpulis at hindi na mautusan.
Dagdag pa ni Esquivel, mas gusto magtagumpay ng mga nakapagtapos ng high school, lalo na sa pag-aaral sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.