PAGASA: Bagyong Florita lumakas pero papalabas na ng bansa
Bahagyang lumakas pero bumagal ang bagyong Florita habang palabas ng bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Florita sa layong 795 kilometers sa Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at bugsong 105 kilometers per hour.
Asahan ang katamtaman hanggang malakas an ulan sa 625-kilometer diameter ng bagyo.
Ang buntot ng bagyo ay nagdudulot ng pag-uulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Florita Linggo ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.