Nasabat ng mga otoridad ang 200 kilo ng botcha o double dead na karne sa isang palengke sa Maynila.
Bago mag-alas-2:00 ng umaga, nagsagawa ng operasyon ang Veterinary Inspection Board sa isang palengke sa Recto-Ilaya.
Gayunman, nakatakas ang mga suspek na may dala ng nasabing mga bocha.
Ibinebenta ang naturang botcha o double dead meat nang kalahati ng halaga ng presyo ng karne sa sa merkado.
Binalaan naman ni Dr. Jose Fajardo ng Manila Veterinary Inspection Board ang mga nagbebenta ng botcha.
Maaaring makulong nang anim na buwan hanggang 12 ang mga ito at pagmumultahin ng P100,000 hanggang isang milyong piso.
Masama sa kalusugan ang botcha na maaring magdulot ng food poisoning, pagtatae, pagsusuka, lagnat o trangkaso.
MOST READ
LATEST STORIES