Ikinasa ng pwersa ng militar, pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon laban sa kapitan ng Barangay Bato na si Adzhar Macrohon alyas “Ombok”.
Si Macrohon ay isang drug surrenderer na kapapanalo lamang sa eleksyon noong Mayo.
Nakatakda sanang umupo bilang kapitan si Macrohon para sa kanyang ikatlo at huling termino ngayong araw nang inarest siya dakong alas-5:30 ng umaga.
Nakumpiskasa kanya ang P100,000 halaga ng anim na pakete at isang sachet ng hinihinalang shabu, kalibre .45 na baril, ilang patalim, magazine ng M16, ammunitions at granda.
Inako ni Macrohon ang ammunition at granadang nakuha sa kanya pero itinangging supplier siya ng iligal na droga.
Ayon sa PDEA, hindi sumailalim ang suspek sa mandatory drug test para sa mga bagong halal na opisyal ng barangay.
Isa umano si Macrohon sa pinakamalaking supplier ng groga sa mga barangay ng Boton at Languyan sa bayan ng Mohamad Ajul.