Bagong online hotline ng NCRPO dinagsa ng mga sumbong at reklamo
Positibo ang naging pagtanggap ng publiko sa paglunsad ng hotline ng National Capital Region Police Office ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar.
Ipinahayag ng NCRPO Director na nakatanggap ng mahigit 500 ulat at impormasyon ang NCRPO hanggang kahapon ng hapon araw ng Biyernes.
Ito ang kauna-unahang hotline na maaaring ma-access gamit ang iba’t ibang instant messaging applications.
Dito maaaring ireklamo ng publiko ang mga krimen at mga tiwaling pulis.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, inakusyunan ng pulisya ang ilang mga ulat na maaaring tugunan kaagad tulad ng ilang pagresponde sa mga tawag.
May mga natanggap din ang NCRPO na ulat ukol sa mga pasaway na pulis.
Dadaan sa validation ang nasabing mga tips at kapag nagpositibo ay kaagad nila itong ipararating sa intelligence unit.
Sinabi ni Eleazar na binabantayan ng pulisya ang hotline 24/7.
Maaaring maghain ng reklamo at magbigay ng lihim na impormasyon ang publiko sa hotline sa paamamagitan ng Viber, WhatsApp, Telegram, Line at WeChat.
Maaari ring magpadala ng reklamo o ulat ang publiko sa 0915-888-8181 at 0999-901-8181.
Pwede ring mag-email sa [email protected] o [email protected] at maging sa Facebook @NCRPOreact.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.