Duterte personal na makikipag-pulong sa mga obispo

Inquirer file photo

Personal na makikipag-dayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aniyang mapagkasunduan sa kanilang pagpupulong ni Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccia.

Dagdag ni Roque, sang-ayon ang Malacañang at Simbahang Katolika na magtulungan para sa publiko.

Matatandaang bumuo ng komite si Duterte para makipagdayalogo sa Simbahang Katolika at iba pang religious groups kasunod ng pagtuligsa ng Pangulo sa Diyos at sa mga turo ng Simabahang Katolika.

Kahapon ay inimbitahan ang pangulo na dumalo sa Pope’s Day sa Maynila pero hindi niya ito sinipot sa halip ay nagpadala na siya ng kanyang mga kinatwan.

Read more...