Pinangunahan ng mga tropa mula sa Philippine Marines, Mindanao Humanitarian Volunteers for Peace at iba pang sektor ang isang “all-in-one mission” para sa mga residente ng Banguingui sa lalawigan ng Sulu.
Ang nasabing humanitarian mission ay isinagawa noong June 21 hanggang 24 na naglalayong ibalik ang magandang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mga residente sa nasabing lugar na naging bahagi ng rin ng ilang dekada ng kaguluhan.
Kabilang sa mga naging tampok na activities sa nasabing humanitarian mission ay ang football for peace, feeding program, medical at school supplies donation.
Sa kasalukuyan ay isinasaayos na rin ang ilang mga lugar sa nasabing bayan para livelihood program sa mga residente doon.
Sa inilabas na ulat, sinabi ng Philippine Navy na naging matagumpay ang paunang hakbang ng pamahalaan na isulong ang kapayapaan sa nasabing lugar na kabilang sa mga conflict area sa Mindanao.