PNP binalaan ni Lacson sa pagsunod sa iligal na utos ni Duterte
Pinayuhan ni Sen. Ping Lacson ang Philippine National Police na pagsunod sa mga “illegal orders” galing sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang na ang pangulo ng bansa.
Partikular na tinukoy ni Lacson ay kung sakaling maglabas ng kautusan ang pangulo para sa mga pulis na huwag hulihin ang mga nasa likod ng jueteng sa ating bansa.
Sinabi ng dating pinuno ng PNP na hindi pwedeng gawing palusot ng mga pulis na sumunod lamang sila sa utos ng kanilang Commander-in-Chief kaya hindi nila ginampanan ang kanilang sinumpaang trabaho tulad ng pagdurog sa iligal na sugal.
Hindi umano ito maituturing na valid legal defense sa hukuman.
Ipinaliwanag pa ni Lacson na nakababahala ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pakikialaman ang operasyon ng jueteng dahil marami umano ang umaasa dito at pinaiikot nito ang pera lalo na sa mga lalawigan.
Malinaw umano sa Republic Act 9289 na kasala ang jueteng sa listahan ng mga iligal na sugal kaya marapat lamang na aksyunan ito ng mga otoridad.
“There can be no legal justification not to arrest an offender who is committing a crime in the presence of a law enforcer, be it a drug offender or an illegal gambler,” dagdag pa ni Lacson.
Sinabi pa ng opisyal na pagmumulan lamang ng korapsyon ang patuloy na pagsasawalang-bahala ng mga otoridad sa kampanya laban sa iligal na sugal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.