Presyo ng diesel, gasolina at LPG tataas

By Den Macaranas June 30, 2018 - 10:00 AM

Inquirer file photo

Makaraan ang dalawang sunod na bawas-presyo ay magpapatupad naman ng oil price hike sa susunod na linggo ang mga kumpanya ng langis.

Sa impormasyon na kanilang ipinadala sa Department of Energy, aabot sa P0.60 per liter ang dagdag presyo sa bawat litro ng gasolina.

Ang diesel ay tataas rin ng P0.60 bawat litro samantalang P0.50 kada litro naman sa presyo ng kerosene o gaas.

Inaasahang ipatutupad ang nasabing price increase sa umaga ng Martes, July 3.

Samantala, inanunsyo rin ng mga kumpanya ng langis na magpapatupad sila ng dagdag singil sa bawat 11-kilogram cylinder ng Liquified Petroleum Gas (LPG).

Aabot sa P1.00 bawat kilo ang magiging dagdag sa presyo ay epektibo ito bukas, araw ng Linggo.

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, LPG, diesel, gasoline, kerosene, LPG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.