20 bahay natupok sa malaking sunog sa Cebu City

Inquirer file photo

Tinatayang nasa 20 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Sitio Pagatpat, Brgy. Mambaling Cebu City madaling araw ng Sabado.

Naitala ang sunog bandang 1:27 ng madaling araw at naapula matapos ang 30 minuto.

Ayon sa Cebu City Fire Department, nagsimula ang apoy sa isang paupahang bahay hanggang sa kumalat na sa mga katabing bahay.

Wala naming naiulat na nasugatan sa insidente.

Sa pagtaya ng mga otoridad ay aabot sa P30,000 ang halaga ng napinsala ng sunog.

Read more...