Batay sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA kaninang 4am, namataan ang bagyo sa layong 775 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Sa ngayon ay taglay na nito ang hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Kumikilos pa rin ito pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na walong kilometro kada oras.
Wala pa ring nakataas na tropical warning signal sa bansa.
Inaasahang lalabas ang bagyo Linggo ng umaga ngunit maaari pang lumakas at maging isang ‘severe tropical storm’.
Ngayong araw, makararanas ng mga pag-ulan ang Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley Region dahil sa trough ng Bagyong Florita.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon, magiging maalinsangan at mainit pa rin ang panahon na posible lamang ang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
Maalinsangan at mainit pa rin ang panahon sa Visayas at Mindanao dahil hindi ito direktang naapektuhan ng bagyo ngunit posible ang ulan dulot ng localized thunderstorms.