Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang pekeng doktor sa Cambodia makaraang mahawaan ng HIV ang halos ay isang daang katao sa nasabing bansa.
Nakilala ang suspek na si Yem Chhrin na isang tunay na doktor ang pakilala sa sarili sa Northern Cambodia.
Sinabi ni State Prosecutor En Sovann na kapag napatunayang guilty ay tiyak na mabubulok sa hukuman ang nasabing pekeng manggagamot na nahaharap sa mga kasong murder, intentionally spreading of HIV at practising without license dahil sa pagpapakilala niya bilang doktor.
Napatunayan ng mga imbestigador sa paunang pagsisiyasat na sinadyang gumamit ni Chhrin ng mga HIV-contaminated needles sa panggagamot.
Dalawa ang nasabing namatay sa kanyang mga dating pasyente at umaabot naman sa 106 ang bilang ng mga nahawaan ng HIV dahil sa kagagawan ng nasabing pekeng doktor.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Battambang Provincial Court ang naturang suspect dahil sa bantang papatayin siya ng mga kaanak ng kanyang mga dating pasyente.
Isasailalim din sa psychiatric test ang nasabing pekeng duktor upang alamin kung may kapansanan siya sa pag-iisip.