Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na nasa 1.5 hanggang 2 milyon ang magpapalista sa halos tatlong-buwang registration period.
Matatandaang itinakda ng ahensya ang pagpapatuloy ng voter’s registration mula Hulyo 2 hanggang Setyembre 29.
Ayon kay Jimenez, ang mababang bilang ng inaasahang bagong botante ay bunsod ng voter registration din na isinagawa noong nakaraang taon para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan elections nitong Mayo.
Samantala, magsasagawa rin ng satellite o offsite registration ang poll body kung saan maaaring magparehistro sa ilang mga baranggay, public plaza, eskwelahan at iba pang lugar.
Tatakbo ang voters’ registration mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado kabilang na ang holidays.