Pang. Duterte, pumunta sa burol ng mga napatay na pulis sa Samar misencounter

Malacañang Photo

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng anim na pulis na napatay sa misencounter sa mga sundalo sa Sta. Rita Samar.

Pumunta ang Pangulo sa police regional headquarters sa Camp Ruperto sa Palo, Leyte kung saan naroon ang mga labi ng mga nasawing pulis.

Nakiramay si Duterte sa mga naulilang kaanak ng mga pulis.

Malacañang Photo

Iginawad ng Pangulo ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kalasag sa mga pulis na sina Wyndell Noromor, Edwin Ebrado, Phil Rey Mendigo, Julius Suarez, Rowell Reyes at Julie Escalo.

Ang Rank of Kalasag ay ibinibigay sa mga indibidwal na namatay sa gitna ng partisipasyon nito sa kampanya o adbokasiya ng Presidente.

Nakatakda ring bisitahin ng Presidente ang siyam namang pulis na nasugatan at naka-confine sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City.

Noong Lunes, nasa combat operation ang mga miyembro ng 805th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 nang paputukan sila ng mga elemento ng Philippine Army 87th Infantry Battalion sa Sition Lunoy, Bgy. San Roque dahil inakala umano ng mga sundalo na mga rebeldeng komunista ang mga pulis.

 

Read more...