Pang. Duterte, no-show sa Pope’s Day celebration

By Isa Avendaño-Umali June 29, 2018 - 07:52 PM

Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pope’s Day celebration sa Apostolic Nunciature sa Malate, Manila ngayong Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapunta na lamang ang pangulo ng ilang representatives o kinatawan.

Sinabi ni Roque na maliban sa kanya, ang naatasan ni Duterte na magtungo sa Pope’s Day ay sina Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Pastor Boy Saycon, na pawang mga miyembro ng binuong lupon na makikipag-dayalogo sa taga-Simbahang Katoliko.

Hindi naman nakarating si Cabinet Secretary Leoncio Evasco, dahil may sakit.

Kaninang hapon, personal na nagtungo si Duterte sa burol ng mga nasawing pulis sa “misencounter” sa Sta. Rita Samar at pagkatapos ang nagtungo sa Tacloban City, Leyte para sa Sangyaw Festival of Lights.

Nauna nang inimbitahan ng Papal Nuncio in the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia si Duterte para sa naturang okasyon.

Nagkataon naman ang imbitasyon sa mga nakalipas na pahayag ng presidente laban sa simbahan at ang kontrobersyal na “stupid God” remark nito.

 

TAGS: pope's day, Rodrigo Duterte, pope's day, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.