2 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Cotabato

Pinagbabaril ng mga kalalakihang sakay ng tatlong motorsiklo ang dalawang magsasaka sa Matalam, Cotabato.

Ang mga biktima ay Isidro Mata Cantil at Ruben Alcalde Ramujan ng Barangay Kabucalan.

Ayon sa pulisya, pauwi na sana ang dalawa sakay ng tricycle nang pagbabarilin sila dakong alas-7:20 kagabi.

Nasugatan sa insidente sina Prudencio Mata Cantil at Ruben Santillano Agbunag na isang guro.

Sinabi ni Inspector Sunny Leoncito, hepe ng Matalam police, kagagaling lamang ng mga biktima sa isang ospital para bisitahin ang kaanak na may sakit.

Tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek ngunit hindi niya muna isinapubliko ito habang patuloy silang tinutugis.

Posibleng personal na away at away sa lupain ang motibo sa pag-atake.

Read more...