Nauna nang i-utos ng PET na maglagak ng multang P50,000 ang bawat kampo dahil sa paglabag sa sub judice rule o gag order sa pagkokomento o paglalabas ng impormasyon ukol sa kaso na dinidinig pa ng korte.
Sinabi ng PET na sa kabila ng direktiba ay patuloy ang magkabilang-panig sa pagsasapubliko ng mga impormasyon.
Pero ayon kay Robredo, kinailangan lamang nilang itama ang mga kasinungalingan ng grupo ni Marcos.
Giit ng bise presidente, kung hahayaan nila na marinig ng mga tao ang mga maling pahayag ng Marcos camp, maaaring ang mga ito ang paniwalaan.
Nilinaw ni Robredo na sumusunod naman sila sa lahat ng utos ng PET.
Tiwala rin aniya sila na sa bandang huli rin ay malalaman kung sino ang tunay na nanalo noong nakalipas na 2016 Vice Presidential race.
Sa alegasyon ni Marcos, nagkaroon daw ng malawakang dayaan kaya naghain siya ng electora protest laban kat Robredo, na idineklarang nanalong bise presidente.