Ilang flights, kanselado dahil sa pag-aalburuto ng Mount Agung sa Bali
Kinansela ang ilang flights dahil sa pag-aalburuto ng bulkan sa Denpasar sa Bali, Indonesia.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa cancelled flights ay ang mga sumusunod:
Cebu Pacific:
– 5J279 (Manila-Denpasar)
– 5J280 (Denpasar-Manila)
Air Asia
– Z2232 (Denpasar-Manila)
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airlines para sa rebooking o refund.
Batay sa pinakahuling balita, pumutok muli ang Mount Agung kaya isinara muna ang paliparan sa Denpasar.
Ayon sa National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia, aabot sa 450 flights ang kanselado, na naka-apekto sa mahigit pitumpung libong pasahero mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.