Suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo, laya na

By Isa Avendaño-Umali June 29, 2018 - 03:35 PM

Pinakawalan na ang suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo ng Nueva Ecija.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police o PNP spokesperson Senior Supt. Benigno Durana.

Pinalaya aniya ang suspek na si Adell Roll Milan, ilang oras lamang matapos maghain ng motion to withdraw information ang abogado nito na si Atty. Larry Gadon.

Ayon kay Durana, ikinatwiran ni Gadon na si Milan ay biktima ng mistaken identity.

Wala naman daw balak si Milan na maghain ng kaso laban sa mga pulis na umaresto sa kanya.

Matatandaang pinagbabaril ng mga lalaking riding-in-tandem si Father Nilo sa loob mismo ng simbahan sa Barangay Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija noong June 10.

Nagluksa ang buong simbahang katolika at kinondena ang kaso ng pagpatay sa pari.

 

TAGS: Father Richmond Nilo, Father Richmond Nilo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.