Mandatory drug test sa mga bata, may implikasyon sa karapatang pantao – DepEd

By Rohanisa Abbas June 29, 2018 - 03:14 PM

Inquirer file photo

Posibleng magkaroon ng implikasyon sa karapatang pantao at makaapekto sa mga bata ang panukalang isailalim sa drug test sa mga estudyanteng 10 taong gulang pataas, ayon sa Department of Education.

Ipinahayag ni Education Secretary Leonor Briones na gumagawa na ng mga hakbang ang Kagawaran para pigilan ang paglaganap ng droga sa 14 milyong kabataan.

Tinawag ni Briones na “bangungot” o “administrative nightmare” ang panukalang pagsasailalim sa drug test ng milyun-milyong estudyante.

Sinabi rin ni Briones na nais ng kagawaran na protektahan ang pagkakakilanlan ng mga bata. Aniya, hindi dapat itong maging basehan ng expulsion o ng grades ng estudyante.

Dagdag ng kalihim, kung madiskubre mang may ugnayan ang bata sa droga, hindi ito dapat ilagay sa kanyang record at sa halip, gamutin at protektahan ito.

Isiniusulong ito ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mandatory drug testing sa mga guro at mga estudyanteng nasa grade 4 pataas.

Gayunman, ayon sa DepEd, sa ilalim ng Dangerous Drugs Act, mula estudyanteng nasa high school lamang pataas ang maaaring isailalim sa panukala.

 

TAGS: deped, mandatory drug test, deped, mandatory drug test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.