Tunay na kapayapaan, may pagkakataon kapag wala na si Joma Sison sa usapin – Lorenzana

FILE

Magkakaroon lamang ng pagkakataon ang tunay na kapayapaan kapag wala na sa usapin si National Democratic Front of the
Philippines chief political consultant Jose Maria Sison.

Ipinahayag ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Aniya, gumagamit ng reverse psychology at pananakot si Sison para isalba ang
usapang pangkapayapaan. Kung wala raw kasi ito, “irrelevant” ang komunistang lider.

Nanindigan naman si Lorenzana na patuloy na isusulong ng gobyerno ang pagsasagawa ng usapang pangkapayapaan sa bansa.

Ginawa ng Defense Secretary ang pahayag matapos lumabas sa mga ulat na kinansela na umanon ng komunsitang Lider ang usapang
pangkapayapaan.

Read more...