29 na road sections sa Luzon sarado pa rin sa trapiko
Dalawamput siyam na mga road sections ang sarado sa traffic sa Cordillera, Region 2 at 3 bunsod ng mga landslide, natumbang mga puno at poste at pagbaha dahil sa paghagupit ng bagyong Lando.
Sa ulat ng Department of Public Works and Highways-Coirdillera Autonomous Region (DPWH-CAR) , walo ang hindi madaanang mga bahagi ng kalsada sa rehiyon, pito sa Region 2 at labing apat sa Region 3.
Sa Cordillera, sarado sa alinmang uri ng mga sasakyan dahil sa landslide ang ilang road Section ng Conner-Kabugao Road, Claveria Calanasan Road Mapalong Section, Benguet-Nueva Viscaya Road Pakak Section, Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road, Banaue-Mayoyao-Aguinaldo-Isabela Road, Jct. Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road, Pinukpuk-Abbut Road at Kennon Road.
Sa Region 2, hindi rin muna madaraanan ang Cabagan -Sta.Maria Road, Junction Abbag-Guingin Boundary Road, Junction Victoria-Madella-Kasibu, Itawes Overflow Bridge sa Cagayan Apayao Road Section, Tawi Overflow Bridge sa provincial road ng Penablanca, Cagayan at Aritao-Quirino Road.
Sa Region 3, sarado sa alinmang uri ng mga sasakyan ang ilang bahagi ng mga sumusunod na kalsada: Baler-Casiguran Road, Dinadiawan-Madella Road, Nueva Ecija-Aurora Road, Alfonso – Castañeda – Maria Aurora – San Luis Road, Daang Maharlika Road, Sta. Rita-Camias Old Road, Labi Bridge, Tablang-Gabaldon Road, Nueva Ecija-Aurora Road, Daang Maharlika Road, Gapan – San Fernando – Olongapo Road, Tarlac-Sta. Rosa Road, Paniqui-Ramos Road.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.