Kaso laban sa napagbintangang suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo, ibinasura na ng korte
Pinagbigyan ng korte sa Cabanatuan City ang pagbawi sa kasong isinampa laban kay Adel Roll Milan, ang napagkamalang suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo.
Sa desisyon ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 27 pinaburan nito ang urgent motion to withdraw information na inihain ng provincial prosecutor.
Ipinag-utos din ng korte na agarang mai-release mula sa kostodiya ng pulis si Milan.
Binawi ng piskalya ang kaso laban kay Milan matapos matuklasan ng mga otortidad na hindi ito ang suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo kundi si Omar Mallari.
Matapos mabawi ang kaso laban sa kaniya, sinabi naman ni Milan na hindi na siya magsasampa ng reklamo laban sa PNP.
Lumagda pa ng waiver si Milan at sinabing wala syang balak balikan ang mga pulis sa kabila ng maling bintang at maling pag-aresto sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.