Mga residente sa ground zero sa Marawi hindi pa makakauwi

By Rohanisa Abbas June 29, 2018 - 11:14 AM

Kasunod ng pagkakaantala ng pag-arangkada ng rehabilitasyon ng Marawi City, hindi pa rin makakauwi ang mga bakwit na naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa lungsod, partikular na ang mga residente sa ground zero o ang naging main battle area.

Ayon kay Atty. Saidamen Balt Pangarungan, dating gobernador ng Lanao del Sur, kinakailangan kasi na matapos muna ang rehabilitasyon sa mga pampublikong imprastruktura. Aniya, hindi maaaring pagsabayin ang rehabilitasyon sa mga pribadong istruktura at sa mga pribadong istruktura.

Nilinaw ni Pangarungan na ang mandato ng Task Force Bangon Marawi ay para sa rehabilitasyon ng mga pampublikong istruktura, at hindi nila sakop ang rehabilitasyon ng mga pribadong pag-aari, gaya ng mga tirahan.

Samantala, sinabi ni Pangarungan na positibo ang pananaw ng mga liderato ng Senado at ng Kamara sa panukalang batas para pagbayaran ang mga pribadong ari-arian na winasak ng gyera o reparation.

Inaasahang 12,000 homeowners ang makikinabang sa P30 bilyon reparation.

Nakatakda sana sa unang Linggo ng Hulyo ang groundbreaking ceremony para sa rehabilitasyon ng Marawi City. Gayunman, ngayong linggo, inanunsyo ni Task Force Bangon Marawi chair Eduardo del Rosario ang diskwalipkasyon ng Bagong Marawi Consortium na tatayo sanang developer sa proyekto.

TAGS: Marawi City, Radyo Inquirer, Marawi City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.