Walang Pinoy na naapektuhan sa Maryland shooting – DFA
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng mga nasawi sa insidente ng pamamaril sa Maryland, USA.
Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, nakikiramay ang Pilipinas sa mga naulila ng limang nasawi nang pagbabarilin ang newsroom ng isang pahayagan.
Sa ngayon sinabi ni Cayetano na wala namang ulat na may Filipino na naapektuhan ng insidente base sa impormasyon mula kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.
Mayroong mahigit 7,900 na Pinoy sa 3rd Congressional District ng Maryland kabilang na ang mga nasa Anne Arundel County.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.