Thunderstorm Advisory, itinaas ng PAGASA sa 3 lalawigan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 29, 2018 - 09:45 AM

Nakataas ang thunderstorm advisory sa tatlong lalawigan sa Central Luzon.

Sa inilabas na abiso, alas 9:32 ng umaga, sinabi ng PAGASA na malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang iiral sa Zambales, Bataan at Pampanga.

Tatagal ito sa susunod na dalawang oras.

Parehong lagay ng panahon din ang naranasan sa mga bayan ng Pandi, Bustos, at San Rafael sa Bulacan at sa bayan ng Rodriguez sa Rizal.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha.

 

TAGS: Pagasa, thunderstorm advisory, weather, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.