Evacuation ipinatupad sa malls at ospital sa Russia dahil sa bomb threat

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 29, 2018 - 09:17 AM

Reuters Photo

Inilikas ang mga tao mula sa tatlong shopping mall at isang ospital sa Samara, Russia kung saan ginaganap ang FIFA World Cup.

Ito ay makaraang makatanggap ng serye ng bomb threat ang nabanggit na mga lugar sa pamamagitan ng tawag sa teleopono.

Kabilang sa inilikas ang mga matandang pasyente ng ospital.

Ilang oras ding isinara ang mga establisyimento upang matiyak na ligtas ang gma ito sa anumang uri ng pampasabog.

Matapos masuri ang lahat ng store sa mga mall at ang buong ospital, nag-negatibo naman ang mga ito sa bomba.

Apar ng group stage matches ng FIFA World Cup ang ginanap sa Samara kabilang ang katatapos lamang na laban ng Colombia at Senegal kung saan nagwagi sa score na 1-0 ang Colombia.

 

TAGS: Bomb threat, Russia, Samara, Bomb threat, Russia, Samara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.