2 mangingisdang Pinoy sinagip ng US warship sa WPS

By Jan Escosio June 29, 2018 - 08:49 AM

US NAVY Photo

Iniligtas ng nagpapatrulyang US warship ang dalawang mangingisdang Filipino na nasiraan ng makina ng bangka sa gitna ng West Philippine Sea.

Sa impormasyon mula sa US Pacific Fleet, nagsasagawa ng routine patrol ang guided-missile destroyer USS Mustin nang mapansin ng kanilang watch standers ang dalawang mangingisda na kumakaway sa gitna ng laot.

Nabatid na bagamat may tubig, wala ng pagkain ang dalawang mangingisda at wala rin silang two-way radio pantawag sa kanilang mga kasamahan at sa Philippine Coast Guard.

Binatak ng barkong pandigma ang bangka, bago nakipag-komunikasyon sa mga kasama ng dalawang mangingisda, na agad din pinakain ng mga sundalong Amerikano.

Sinabi ni Navy Cmdr. Warren Smith, commanding officer ng USS Mustin, malaking tulong ang mga tauhan niyang Filipino-American para makausap ang dalawang mangingisda.

Ang USS Mustin ay bahagi ng US 7th Fleet at nagpapatrulya ito sa Indo-Pacific region.

TAGS: Filipino Fishermen, US navy, US PAcific Fleet, Filipino Fishermen, US navy, US PAcific Fleet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.