House Bill para sa financial support sa mauulila ng mga hukom pinamamadali sa kamara
Pinamamadali na ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu sa kamara ang pagpasa sa panukala para sa pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawing opisyal ng hudikatura.
Ayon kay Abu, pangunahing may-akda ng panukala, ngayong abrubado na ng House Committee on Appropriations ang funding provision ng House Bill No. 2683 dapat na itong ipasa ng kamara sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa July 23.
Paliwanag ni Abu, sa ilalim ng kanyang panukala, magiging kumpiyansa ang mga hukom at mahistrado lalo na ang mga batang idealistic na judge at justices na igawad ang katarungan ng walang takot dahil sa back up ng gobyerno sa kanilang mga pamilya.
Iginiit pa ng Batangas solon na ang panangib sa buhay ng mga judiciary officials sa pagganap sa kanilang mga trabaho ay dapat magkaroon ng counterbalanced sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng tulong upang maisagawa ng mabuti ang kanilang mga trabaho.
Ang panukala din anya ay magpo-promote ng judicial reform sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga hukom at mahistrado upang magpasya ang mga ito patas sa kabila ng panganib sa kanilang buhay.
Sa ilalaim nito, ang surviving spouse at anak ng judge o justice na mapapaslang habang nasa serbisyo ay tatanggap ng buwanang pensyon bukod pa sa scholarship o free tuition para sa dalawang anak ng mga sa state university o kolehiyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.