Dating blocktimer anchor ng Radyo Inquirer na si Mel Tadeo pumanaw na

Pumanaw na ang dating blocktimer ng Radyo Inquirer at negosyanteng si Carmela “Mel” Tadeo ng Kapandesal Multi-Purpose Cooperative.

Alas 7:00 ng gabi ng Huwebes nang bawian ng buhay sa Intesive Care Unit (ICU) ng Manila Doctors Hospital si Tadeo matapos na atakihin sa puso.

Bukod sa pagnenegosyo, abala rin si Tadeo sa charity works, pagpo-programa sa radyo at pag-produce ng Indie Films.

Nakahimlay ang mga labi ni Tadeo sa St. Peter’s Chapel sa Araneta Avenue sa Quezon City.

Sa Linggo ihahatid siya sa huling hantungan sa Bulacan.

 

Read more...