Joel Cruz ipinakilala ang kaniyang 7th baby

By Jimmy Tamayo June 29, 2018 - 07:46 AM

Ipinakilala ng tinaguriang perfume King na si Joel Cruz ang panibago niyang baby.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Cruz ang larawan ng sanggol na pinangalanan niyang baby Zeid.

Ang bata ay isinilang noong June 23 sa St. Petersburg Russia at ika-pitong anak ni Cruz sa pamamagitan ng in-vitro fertilization at surrogacy.

Nanghihinayang naman si Cruz dahil wala siya noong isilang ng surrogate mother ng bata.

Kinumpirma din nito na kambal dapat ang bago niyang anak pero hindi aniya naka-survive ang isa pang baby.

Pawang mga kambal ang mga naunang anak ni Cruz na nagmula din sa iisang ina.

Una nitong anak na kambal sina Prince Sean at Princess Synne na isinilang noong September 2, 2012.

Kasunod nito sina Prince Harry at Prince Harvey na ipinanganak naman noong October 23, 2015 at sina Charles at Charlotte na isinilang noong May 24, 2017

Pitong milyong piso umano ang nagastos niya para sa in-vitro fertilization.

Nabatid din na may plano pang magkaroon ng isa pang kambal si Cruz.

TAGS: 7th baby, entertainment, in-vitro fertilization, Joel Cruz, surrogacy, 7th baby, entertainment, in-vitro fertilization, Joel Cruz, surrogacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.