Duterte personal dapat na makipagdayalogo sa Simbahan – Fr. Secillano

By Rhommel Balasbas June 29, 2018 - 04:58 AM

Naniniwala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano na personal dapat na makipagdayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika at hindi sa pamamagitan ng kanyang itinalagang mga kinatawan.

Sa isang panayam bago ang pulong kasama si Pastor Boy Saycon, sinabi ni Fr. Secillano na ang pulong sa pagitan ng gobyerno at Simbahan ay sa pagitan dapat ni Duterte at ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles.

Nilinaw naman ni Secillano na ito ay personal lamang niyang opinyon.

Ayon sa opisyal, mas posibleng gawin ang naturang pulong dahil mas kilala ng presidente at ni Abp. Valles ang isa’t isa dahil pareho tubong Davao ang mga ito.

Iginiit pa ni Secillano na dapat ang pangulo ang personal na makipagdayalogo dahil pananagutan nito ang sarili niyang mga salita.

Anya, madaling mapapalitan ni Duterte ang anumang sabihin ng kanyang mga opisyal ngunit ang mga sariling pahayag ay kanyang pananagutan.

Nilinaw naman ni Secillano na pansamantala lamang ang kanyang pakikipag-usap kay Saycon at ang mga opisyal pa rin ng CBCP ang magdedesisyon sa itatalang tao para sa dayalogo

Ang desisyon anya ay maaaring ilabas bago ang CBCP Plenary Assembly sa July 7.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.