Desisyon ng CA sa child abuse case ni Willie Revillame ikinatuwa ng DSWD

By Jong Manlapaz October 20, 2015 - 03:54 PM

Willie Revillame
Inquirer file photo

Isang welcome development para kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa TV Host na si Willie Revillame kaugnay sa kasong paglabag sa republic act 7610 or ang anti-child abuse law.

Kinumpirma ng kalihim na pormal na silang nakatanggap ng desisyon ng korte ng mula kay Court of Appelas 13th Division Associate Justice Ma. Luisa Quijano-Padilla na nagsasabi na tama ang Quezon City Regional Trial Court sa pag isyu ng warrant of arrest laban sa TV host.

Nag ugat ang kaso ni Revillame sa pagpapasayaw nito sa 6-yrs old na umiiyak na batang lalake na tila isang macho dancer habang sumisigaw ang TV Host ng mga katagang “Beer Pa”.

Ayon sa kalihim, sila ay buong nagtatalaga sa kanilang mandato na iangat ang moralidad at protektahan ang kapakanan ng mga kabataan sa lahat ng pagkakataon.

Idinagdag din ni Soliman na sana ay maging halimbawa ito sa iba pang mga TV shows na maging responsable sa kanilang mga ipinakikita sa publiko.

Nagpapasalamat rin ang kalihim sa ibat-ibang mgagrupo na nagpahatid sa kanila ng suporta sa kanilang naging hakbang laban kay Revillame.

TAGS: Child Abuse, dswd, Revillame, soliman, Child Abuse, dswd, Revillame, soliman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.