5 arestado sa buy bust operation sa Navotas City

By Justinne Punsalang June 29, 2018 - 03:35 AM

Timbog ang lima katao, kabilang ang dalawang babae sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Barangay NBBN, Navotas City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jonalyn Santos, 24 na taong gulang; Rizza Mae Cortez, 34 na taong gulang; Rogelio Ilustrisimo 23 taong gulang; Joseph Flores, 45 taong gulang; at Russel Dalsaitan, 19 na taong gulang.

Silang lahat ay napag-alamang mga drug pusher.

Narekober mula sa mga ito ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 50 gramo at nagkakahalaga ng P200,000.

Mahaharap ang limang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.