Mga armas para sa mga barangay captain wala sa 2019 national budget — Malacañan

By Chona Yu June 29, 2018 - 02:34 AM

Aminado ang Palasyo ng Malacañan na wala sa 2019 national budget ang ipapangbibili sa caliber 22 na baril na balak ipamigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa may 42,000 na barangay captain at mga tanod.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, patapos na ang pagsasapinal ng budget at isusumite na ito sa State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

“Kaya nga po isa iyan sa kinokonsidera kasi halos tapos na rin iyong budget na isusumite sa State of the Nation Address ‘no, kung wala pong ganiyang naisingit na budget, siyempre hindi mapopondohan ‘no. So hayaan po natin na mag-usap usap ang iba’t ibang sangay ng gobyerno tungkol dito,” ani Roque.

Ayon kay Roque, hindi mapopondohan ang naturang proyekto.

Gayunman, sinabi ni Roque na hahayaan na lamang ng Palasyo ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na mag-usap para maisakatuparan ang naturang proyekto ng pangulo.

Muli namang binigyang diin ni Roque na may ilalatag na safeguards ang pamahalaan para hindi maabuso ang pag-aarmas sa mga barangay captain.

Hindi rin aniya makakasama sa mga mabibigyan ng baril ang mga opisyal ng barangay na kasama sa narco list ni Pangulong Duterte.

“I think the grant gun license and a permit to carry is still a matter of discretion as far as the PNP is concerned. So siyempre kung nasa listahan ka ng narcolist hindi kana mabibigyan, huwag ka nang umasa, isa po iyan sa basic safeguards,” ani Roque.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.