Duterte sa pag-ayaw na ni Sison sa peace talks: “Eh di huwag!”
“Eh di huwag. Mas mabuti nga!”
Ito ang naging bwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon ni National Democratic Front of the Philippines o NDFP founding chairman Jose Maria Sison na hindi na makikipag-usap ang kanilang hanay sa gobyerno.
Ayon sa pangulo, kapag hindi natuloy ang peace talks, magpapatuloy ang giyera sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.
Bilang presidente ng bansa, sinabi ni Duterte na trabaho niya na isulong ang kapayapaan.
Bwelta pa ni Duterte kay Sison, umuwi na lamang ng Pilipinas kung nais nitong makipag-usap, tutal naman aniya ang Pilipinas ang kanilang pinag-aawayan.
Dagdag ng pangulo, kung nais ni Sison na magkaroon ng kwalisyon o agawin ang gobyerno, kanya itong ibibigay sa silver platter.
Hindi naman nabahala si Duterte sa banta ni Sison na aatupagin na lamang nito ang planong pagpapatalsik sa kanya pwesto, kasama ang ibang grupo.
Aniya, sino ang sasama kay Sison sa pagpapatalsik sa kanya, si Senador Leila de Lima raw ba?
Banat pa nito, mas makabubuting panoorin na lamang ang “sex video” ni de Lima at tiyak na malilibang pa sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.