NDFP, hindi na makikipag-negosasyon sa Duterte admin – Joma Sison

By Isa Avendaño-Umali June 28, 2018 - 08:11 PM

 

Inanunsyo ni National Democratic Front of the Philippines o NDFP founding chairman Jose Maria Sison na hindi na sila makikipag-negosyasyon kasama ang gobyerno, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, kinumpirma rin ni Sison na makikibahagi ang kanilang grupo sa lumalakas na planong patalsikin si Duterte sa pwesto.

Ani Sison, paghahandaan na lamang nila ang usapang pangkapayapaan kasama ang susunod ang administrasyon.

Hangga’t si Duterte aniya ang pangulo ng bansa, wala raw silang maaasahang benepisyo mula sa pakikipag-negosasyon.

Marami rin daw na ipinangako ang kasalukuyang administrasyon, pero pawang mga kasinungalingan daw ang mga ito dahil walang natupad.

Ipinunto pa ni Sison na makailang beses na ipinagpaliban ang peace talks, at mas makabubuti pa kung i-withdraw na lamang ni Duterte ang negosasyon sa NDFP.

Muling itinakda ang peace talks ngayong June 28 sa Norway, ngunit naudlot ito matapos sabihin ni Duterte na kailangan niya pa ng dagdag-panahon at mas maraming kunsultasyon bago maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

 

TAGS: CPP-NPA-NDFP, Joma Sison, Rodrigo Duterte, CPP-NPA-NDFP, Joma Sison, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.