Solgen Calida, “highest-paid” sa hanay ng gabinete noong 2017
Si Solicitor General Jose Calida ang may pinaka-malaking sahod noong 2017, sa hanay ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa report ng Commission on Audit o COA, si Calida ay tumanggap ng aabot sa P10.917 million noong nakaraang taon.
Mas mababa naman ang nakuhang sweldo ng nasa-ikalawang pwesto na si DOST Secretart Fortunato dela Pena sa halagang P3.292 million.
Ang iba pang highest-paid cabinet members o nasa 3rd, 4th at 5th spot ay sina Energy Sec. Alfonso Cusi, dating CHED chairperson Patricia Licuanan at dating Justice Secretart Vitaliano Aguirre na may mahigit P3 million na tinanggap na sweldo noong 2017.
Ang kumukumpleto sa top 10 ay sina:
6. Labor Secretary Silvetsre Bello – P2.976 million
7. Trade Secretary Ramon Lopez – P2.915 million
8. DWPH Secretary Mark Villar – P2.869 million
9. Agriculture Secretary Manny Piñol – P2.851 million
10. Executive Secretary Salvador Medialdea – P2.834 million
Nasa ika-labing isang pwesto naman si dating Tourism Secretary Wanda Teo na mayroong natanggap na P2.828 million na sweldo noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.