Sa panayam ng mga mamamahayag kay Duterte sa Bohol, sinabi nito na hindi raw siya magso-sorry, “not in the million years.”
Ang reaksyon ni Duterte ay kasunod ng pahayag ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement na kailangan daw mag-public apology ang pangulo.
Bago naman ang ambush interview sa kanya, kalmadong humarap si Duterte sa 25th Annual National Convention of the Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) sa The Bellevue Hotel Resort sa Panglao Island, Bohol.
Sa katunayan ay wala siyang banat sa mga kagawad ng simbahang katolika, at may binasa pang bible verse ang presidente.
Ito ay ang Ecclesiastes na isang old testament o galing sa lumang tipan.
Dito rin niya sinabi na “shut-up ako” o mananahimik muna raw siya sa pagbanat sa simbahang katolika.