NKTI, nangangailangan ng P10 million na dagdag-pondo para sa mga tinamaan ng leptospirosis

By Isa Avendaño-Umali June 28, 2018 - 07:01 PM

Umapela ang pamunuan ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI sa gobyerno ng karagdagang pondo para sa pangangailangan ng mga pasyenteng may leptospirosis.

Sa isang press briefing, sinabi ni NKTI Executive Director Dra. Rose Marie Liquete na nasa P10 million ang kailangan para suportahan ang mga pasyente lalo na ang mga sumasailalim sa dialysis.

Mahigit P3 million na aniya ang nagagastos ng NKTI mula nang lumaki ang bilang ng leptospirosis cases.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco, may “special lane” na sa NKTI para sa mga pasyente na tinamaan ng leptospirosis, at mayroon ding medical assistance para sa mga indigent na pasyente.

Bagama’t lumolobo ang bilang ng mga kaso ng sakit, sinabi ni Liquite na hindi sila nababahala.

Kaninang hapon ay personal na binisita ni Duque ang mga pasyente sa NKTI.

Batay sa rekord, sa apatnapu’t pitong pasyenteng may leptospirosis na na-admit sa NKTI, dalawampu’t dalawa sa mga ito ang nasa hospital gym.

Nasa siyam naman ang nasawi dahil sa sakit, na karamihan ay malala na ang sitwasyon nang dalhin sa ospital.

Base pa sa rekord, nasa 1,030 na ang kaso ng leptospirosis sa buong bansa na naitala mula January 01 hanggang June 09, 2018. / Isa Umali

 

TAGS: doh, Leptospirosis, NKTI, doh, Leptospirosis, NKTI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.