Ito ang kauna-unahang pagkakataon na siya’y tumestigo, para sa kanyang kinakaharap na P224.5 million plunder case kaugnay sa Pork Barrel scam.
Giit ni Revilla, wala siyang tinanggap na kickbacks mula kay Janet Lim-Napoles.
Bagama’t nakita na niya noon si Napoles, hindi raw sila masyadong magkakilala, at sa kanyang pagkaka-alala ay sa parties lamang sila nag-krus ng landas ng businesswoman.
Naniniwala si Revilla na politically-motivated ang kaso laban sa kanya, lalo’t nag-anunsyo siya noon na tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng partido niyang Lakas-CMD.
Bago ang pagsalang ni Revilla, tumestigo muna ang book keeper ni Napoles na si Mary Arlene Baltazar.
Aniya, wala raw kickbacks na ibinigay kay Revilla mula sa bogus na non-government organization o NGO ni Napoles.
Nauna nang sinabi ni Marina Sula na diniktahan lamang siya ng mga taga-Office of the Ombudsman at nagsinungaling sa kanyang dating testimonya.
Ang totoo raw ay si Benhur Luy ang mahusay sa pamemeke ng mga pirma ng mga mambabatas sa ilang endorsement letters para sa mga paglalaanan ng pork barrel funds.
Ayon naman kay Deputy Special Prosecutor Manuel Soriano, hindi na sila nagulat sa ng pagbaligtad ng mga testigo sa kanilang testimonya.
Malakas pa rin aniya ang kaso laban kay Revilla lalo’t nadidiin pa rin ang dating staff ni Revilla na si Richard Cambe, na sinasabing pumirma sa mga memorandum of agreement, na tiyak na may basbas daw ng dating senador.