Simbahang Katolika, walang nilulutong destabilisasyon – CBCP

Walang balak ang Simbahang Katolika na patalsikin sa pwesto ang gobyerno sa anumang sitwasyon ayon sa Cathoclic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi ni Bishop Reynaldo Evangelista, Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, na isinusulong ng simbahan ang pag-iwas sa karahasan at pagiging mahinahon.

Ipinahayag ito ng CBCP matapos lumabas sa mga ulat na may niluluto umanong destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga komento nito sa bibliya ayon sa political strategist na si Pastor “Boy” Saycon.

Si Saycon ay bahagi ng komiteng binuo ni Duterte para makipagdayalogo sa mga lider ng simbahan.

Read more...